Lunes, Pebrero 20, 2012

MGA TANONG SA SYOTA KONG ENGINEER ( 1979 ) -- Richie Valencia

                  Inhinyero ?? anu sa plagay mu ang magandang bahagi sa ating buhay ng mga Inhinyero ???

di ba ang laki ng parte nila sa ating buhay ...

 kung wala ang mga inhinyero sa mundo parang napaka pangit tingnan ng paligid natin, ito ay para kang tumitingin nang walang nakikita sa paligid natin.HAHA

napaka hirap intindihin.

Pero ito lang ang masasabi ko ngayon sa buhay nating mga kabataan, hindi biro ang magaral sa kursong ENGINEERING apaka sakit sa ulo , mahihirap na problema na dapat mung lutasin at kailangan mo ng isang napakalawak na pagiisip.

Hindi lahat ng nagaaral ng ENGINEERING COURSE ay matagumpay karamihan nga gradweyt ng ENGINEERING walang trabaho.

kaya dapat nating seryosohin at intindihin ang mga bagay na sadyang balakid sa ating pagaaral para maging mahusay na INHINYERO.

-------

             Sabi nga dito sa isang teksto na pinamagatang  MGA TANONH SA SYOTA KONG ENGINEER na inilimbag ni Richie Valencia

            Ilang buwan na lang daw gagradweyt na siya bilang isang INHINYERO napakasaya niya kasi sa buhay  ngayon napakataas ng tingin ng mga tao sa isang gradweyt na ENGINEER student, pero sa kabila ng lahat marami pang katanungan s buhay niya .. 

           sapat na ba ang kaalaman ko ?? alam mo ba ?? iyan ang pinakamasakit na katanungan.

Marami ding bagay sa Pilipinas na dapat ay isang Inhinyero ang nagpapatakbo nito, isang mahusay at maingat na inhinyero, ngunit sa kabila ng lahat hindi nila ito magamit sa kadahilanang sa maraming katanungan at sa kadahilanan ding hindi pa rin sapat ang kanilang kaalaman, siguro kaya di nila magamit ay nakakangamba ito tulad nalang ng planta ng nuklear sa Bataan na siya dapat ang magsusuply ng kuryente sa pilipinas o sabihin na natin sa BATAAN.

Tapos isa pa dito palagi tayong down in earth. Mababa ang tingin ng mga taga ibang bansa sa engineer na pilipino kaya pagdating sa trabaho mas mataas ang sallary ng mga Hapon kaysa sa ating mga Pilipino na mas mahusay tayo sa kanina. Iba talaga ang mga isip ng tao sa pagdating sa kanila porket ba mas hi tech sa bansa nila mas magaling na sila kasi sa bansa nila mas sinusoportahan nila ang mga inhinyero doon kaya mas mabilis silang umuunlad..

iyan ang pinaka mahirap sa ating bansa ehh..

kung tayong mga INHINYERO ehh sinsuportahan nila ehh di sana kaya din nating mas maging hi-tech at hindi tayo napapagiiwan.

TAyong mga inhinyero hindi na tayo maghihirap pag ginagawa nating tama at mahusay ang ating mga trabaho hindi na daw tayo papara sa kanto para sumakay nang trike kundi may susundo na sa atin para pumasok tayo sa trabaho at hinding hindi na tayo maghihirap.

INHINYERO dapat nating lutasin ang problema bago tayo tumaas, tataas ka nga nang iniiwanan mu ang trabaho at responsibilidad mu. Kung saan ang lahat ay makikinabang huwag muna tayong maging magmataas dapat kung tulong tulong tayo dapat sabay sabay din tayong tataas sa lipunan


Isa lang naman ang naging aral dito ehh,, dapat huwag tayong makasarili sapagkat ang engineer ay matulungin at hindi nagpapatalo ang inhinyero na PILIPINO, tatak natin sa puso't isipan natin na ang engineer na pilipino ay mahusay. FILIPINO ENGINEER is the BEST among the REST :))
                                      TO THE OPTIMIST, THE GLASS IS HALF FULL. TO THE PESSIMIST THE GLASS IS HALF EMPTY. TO THE ENGINEER, THE GLASS IS TWICE AS BIG AS IT NEED TO BE :)))


                                                                        -ENGR. KENNETH LACASAD-
                                                                         BS ECE-1D
       



Martes, Enero 3, 2012

MAGKABILAAN BY JOEY AYALA


MAGKABILAAN by JOEY AYALA 

Ang kantang ito ay isang magandang kanta na naiiugnay sa ating mga buhay. Isang napaka magandang halimbawa sa bawat isa sa atin. Na masasabi natin na ang mga bawat linya ng lyrics ay maykabuluhan, nagsasaad ng magandang kahulugan kung atin siyang masyadong susuriin. Isa pa dito magkabaligtad o magkasalungat ang sinasabi na may magandang kahulugan. Ang pinaka nakaantig sa aking puso't isip ay ang linyang "may pumapaibabaw at may sumasailalim" tama nga naman sa buhay ko ngayon masasabi ko na nasa ilalim pa ko, hindi sa pagiging negatibo kung hindi sa kalidad at sa pwesto ng buhay ko ngaun kasi isa pa lang akong istudyante na nangangarap na makatapos sa pag aaral upang maiangat ang aming buhay . Kung ako ay makakatapos at makakakuha ng magandang trabaho ay masasabi kong nakapaibabaw na ako. Pero siguro sa realidad ng buhay ang ang siyang taong gumagawa ng kabutihan ang mas napapaibabaw kaysa sa taong may ginagawang mali. 

Isa pa sa nakakaantig na lyrics ay ang "may kaliwa't may kanan sa ating lipunan" kaya ko nasabing nakakaantig sa aking sarili sapagkat tingnan mu nalang sa ating lipunan may nangangaliwa may gumagawang mali at siguro masasabi ko na ring nagtatraydor. Kung iisipin natin mabuti LOGIC THINKING, ano ang ENGLISH sa KANAN ? diba RIGHT ? ohh..diba kung iisipin nating mabuti ang mga taong gumagawa nang RIGHT ay siyang kanan ng ating lipunan, Isa ito na mabuting halimbawa para sa atin. Kung ikukumpara ko sa aking buhay ang lyrics na iyan ay sasabihin ko nalang na sumpungin ako sa lyrics na yan. Alam niyo kung bakit ? sapagkat minsan may nagagawa akong hindi tama na kaliwa sa ating lipunan at minsan naman ay may nagagawa akong tama na siyang KANAN o RIGHT sa ating lipunan. ohHHaHH. TUMPPAKK BA ??

SIguro hanggang dito nalang ako, tandaan HINDI LAHAT NG MAGKASALUNGAT ay MAGKAAWAY :D
Pero lagi nating tatandaan na andiyan lang ang panginoon sa ating tabi, hindi niya hangad na mapahamak tayo.
-GODBLESS YOU ALL.ü-


KENNETH SANTOS LACASAD
BS ELECTRONICS AND COMMUNICATION ENGINEERING-1D

Lunes, Enero 2, 2012

Sangguniang Kabataan ng Hagonoy Seminar sa Baguio City

Isang malaking karangalan para sa akin ang mabilang sa isang malakihang seminar dito sa aming bayan ang bayan ng HAGONOY.

Nagkaroon kami ng isang Seminar sa Baguio City ang lahat ng Sangguniang Kabataan Chairman at ang kanyang pitong mga Councilor kung saan tinalakay namin kung paano gamitin ang tamang pondo na inalalaan sa amin ng bawat baranggay at kung ano ang karapat dapat na proyekto na aming ilulunsad ang Seminar na iyon ay umabot ng tatlong araw kung saan nagbigay sa akin o sabihin na nating nagbigay sa amin ng kaligayahan sa bawat gawain na inilulunsad ng DILG o Department of the Interior and Local Goverment at ng mga bawat Speaker nito.

Syempre pagkatapos ng seminar sa bawat araw ay gumagala naman kami. Unang araw nga pagkatapos ng Seminar mga nag-aya pang mag sipag Sm Baguio ang mga ka Sk ko kahit pagod syempre malaya kami noong araw na iyon kahit sinusulit na namin. Pagkatapos ng aming gala sa SM Baguio December 21, 2011 nang 10:00 ng gabi umuwi na kami sa Hotel ng Baguio Henrico Hotel Legarda Road. Sabihin na nating Sangguniang Kabataan Leader kami pero di pa rin mawawala sa amin ang pag inom kaya nagaya ang mga kasamahan ko na uminom nalang sa kwarto namin, ayon naging masaya naman ang pag inom, pangpatulog lang ang ginawa namin. HAHA

December 22, 2011 nang umaga gising kami nang 6 o'clock, hays apaka lamig napaka hirap huminga ng sobrang lamig lalo na siguro maligo, ehh yung paliguan pa namin ay walang Heater pero kahit ganun tiis tiis kami.HAHA.ü. Habang naliligo ako para hindi ko masyado maramdaman ang sobrang lamig ay sumisigaw nalang ako, parepareho lang kami nang ginagawa.

Habang nasa seminar kami ang gingawa lang namin ay iniintay lang matapos ang seminar, para makagala kami, puro kain lang ginagawa namin. Pero kahit papaano ay nagkukunwari-warian lang kami na nakikisali.
Pagkatapos ng lahat ng MODULE sa seminar ehh graduation na kami. Tinawag isa-isa ang bawat SK Chairman at SK Councilor ng bawat baranggay.

December 23,2011 last day na namin kaya iyon na ang pagkakataon para makabili ng pasalubong sa bahay kaya pumunta kami MINES VIEW, bili dito bili doon, hanggang sa makarami. pagkatapos mamili ay deretcho na kami uwi.Sobrang kapagod ng araw ng pag uwi na iyon pero hindi iniintindi ang pagod kaya tuloy parin ang kasiyahan kahit nasa bus na. Bumabangka sa kalokohan ang isa namin ka'sk pero pagkatpos noon nakatulog habang nasa biyahe hanggang makauwi sa hagonoy.
sobrang Saya :D

-KENNETH SANTOS LACASAD
BS ELECTRONICS AND COMMUNICATION ENGINEERING- 1D

Linggo, Enero 1, 2012

Ang Aking pinakanakakainis na karanasan ngayong Christmas Break 2011

Hindi na bago sa akin ang magkaroon ng nakakainis na karanasan tuwing Christmas Break. Pero kahit ganon taon taon ayos lang nakakasanayan na naman. Pero ngayong taon siguro ito na ang pinaka nakakainis na karanasan na naranasan ko.

DECEMBER 19, meeting namin mga SK, ng San Sebastian tungkol sa aming seminar sa Baguio city for 3 days. Call time namin ay 3:00 pm pero ako pinaka late na dumating. Alam mo naman Pilipino time. Kakahiya sa mga ka SK ko. Ayos lang sana sa SK Chairman namin ang hindi ko alam, kasama din pala sa meeting namin ang Punong Baranggay namin tapos kasama pa doon ang Tatay ng Sk Chairman ko na isa sa Konsehal ng Bayan ng Hagonoy. Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko nakakahiya na nakakainis. Kaya bumati nalang ako sa kanila ng isang magandang hapon para may panggalang man lang. Kakahiya talaga pero habang nagmemeeting kami wala akong kibo inintay ko nalang matapos ang meeting sa loob loob ko lang sana matapos na itong lintik na nakakainis na meeting na ito.

AFTER siguro mga 1hour umalis na yung Punong Baranggay namin kasama na rin ang Konshehal ng tatay ng Chairman namin.....

Kaya ayon medyo lumuwag na loob ko pero nahihiya pa rin ako sa Chairman namin kasi may usapan na kami bago mag meeting na walang malalate sa oras ng meeting. Kaya humingi nalang ako ng pasensya sa kanya.

ILANG MINUTO LANG pauwi na kami....

Pero hindi pa dito nagtatapos ang aking nakakainis na karanasan ngayong christmas break.

Ito last na ito, kung yung isa ehh ung pinakanakakainis na karanasan ngayong christmas break, ito naman yung Pinaka na Pinaka nakakainis na Karanasan ngayong Christmas Break...

DECEMBER 30, mga hapon na dumating ung ninong ko na pinsan ko lang. Nagpasundo kasi ako sa kanya galing pa siya sa work. Kasi nagpromise ako sa kanya na doon ako mgbabagong taon sa kanila, sa mang tita ko na kapatid ng mama ko. Pero nung dumating na siya sa amin ayaw naman akong payagan ng papa ko kasi sabi nila magiging isang taong layas daw ako, wala sa bahay. Hays, kakainis sila. Hiyang hiya naman ako sa ninong ko na inabala ko pa siya na sunduin ako hays.. uuwi pa naman siya sa Baliuag. Kaya NEW year ko ang pinaka pinaka nakakainis. Hindi ko man lang naenjoy yung new year kasi dahil sa nangyari na iyon. Kala ko maganda na pasok nang taon na ito. NAKAKAINIS PALA !

NEW YEAR na ang pinakanakakainis na KARANASAN ko.

KENNETH SANTOS LACASAD
BS ELECTRONICS AND COMMUNICATION ENGINEERING - 1D