Martes, Enero 3, 2012

MAGKABILAAN BY JOEY AYALA


MAGKABILAAN by JOEY AYALA 

Ang kantang ito ay isang magandang kanta na naiiugnay sa ating mga buhay. Isang napaka magandang halimbawa sa bawat isa sa atin. Na masasabi natin na ang mga bawat linya ng lyrics ay maykabuluhan, nagsasaad ng magandang kahulugan kung atin siyang masyadong susuriin. Isa pa dito magkabaligtad o magkasalungat ang sinasabi na may magandang kahulugan. Ang pinaka nakaantig sa aking puso't isip ay ang linyang "may pumapaibabaw at may sumasailalim" tama nga naman sa buhay ko ngayon masasabi ko na nasa ilalim pa ko, hindi sa pagiging negatibo kung hindi sa kalidad at sa pwesto ng buhay ko ngaun kasi isa pa lang akong istudyante na nangangarap na makatapos sa pag aaral upang maiangat ang aming buhay . Kung ako ay makakatapos at makakakuha ng magandang trabaho ay masasabi kong nakapaibabaw na ako. Pero siguro sa realidad ng buhay ang ang siyang taong gumagawa ng kabutihan ang mas napapaibabaw kaysa sa taong may ginagawang mali. 

Isa pa sa nakakaantig na lyrics ay ang "may kaliwa't may kanan sa ating lipunan" kaya ko nasabing nakakaantig sa aking sarili sapagkat tingnan mu nalang sa ating lipunan may nangangaliwa may gumagawang mali at siguro masasabi ko na ring nagtatraydor. Kung iisipin natin mabuti LOGIC THINKING, ano ang ENGLISH sa KANAN ? diba RIGHT ? ohh..diba kung iisipin nating mabuti ang mga taong gumagawa nang RIGHT ay siyang kanan ng ating lipunan, Isa ito na mabuting halimbawa para sa atin. Kung ikukumpara ko sa aking buhay ang lyrics na iyan ay sasabihin ko nalang na sumpungin ako sa lyrics na yan. Alam niyo kung bakit ? sapagkat minsan may nagagawa akong hindi tama na kaliwa sa ating lipunan at minsan naman ay may nagagawa akong tama na siyang KANAN o RIGHT sa ating lipunan. ohHHaHH. TUMPPAKK BA ??

SIguro hanggang dito nalang ako, tandaan HINDI LAHAT NG MAGKASALUNGAT ay MAGKAAWAY :D
Pero lagi nating tatandaan na andiyan lang ang panginoon sa ating tabi, hindi niya hangad na mapahamak tayo.
-GODBLESS YOU ALL.ü-


KENNETH SANTOS LACASAD
BS ELECTRONICS AND COMMUNICATION ENGINEERING-1D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento