Isang malaking karangalan para sa akin ang mabilang sa isang malakihang seminar dito sa aming bayan ang bayan ng HAGONOY.
Nagkaroon kami ng isang Seminar sa Baguio City ang lahat ng Sangguniang Kabataan Chairman at ang kanyang pitong mga Councilor kung saan tinalakay namin kung paano gamitin ang tamang pondo na inalalaan sa amin ng bawat baranggay at kung ano ang karapat dapat na proyekto na aming ilulunsad ang Seminar na iyon ay umabot ng tatlong araw kung saan nagbigay sa akin o sabihin na nating nagbigay sa amin ng kaligayahan sa bawat gawain na inilulunsad ng DILG o Department of the Interior and Local Goverment at ng mga bawat Speaker nito.
Syempre pagkatapos ng seminar sa bawat araw ay gumagala naman kami. Unang araw nga pagkatapos ng Seminar mga nag-aya pang mag sipag Sm Baguio ang mga ka Sk ko kahit pagod syempre malaya kami noong araw na iyon kahit sinusulit na namin. Pagkatapos ng aming gala sa SM Baguio December 21, 2011 nang 10:00 ng gabi umuwi na kami sa Hotel ng Baguio Henrico Hotel Legarda Road. Sabihin na nating Sangguniang Kabataan Leader kami pero di pa rin mawawala sa amin ang pag inom kaya nagaya ang mga kasamahan ko na uminom nalang sa kwarto namin, ayon naging masaya naman ang pag inom, pangpatulog lang ang ginawa namin. HAHA
December 22, 2011 nang umaga gising kami nang 6 o'clock, hays apaka lamig napaka hirap huminga ng sobrang lamig lalo na siguro maligo, ehh yung paliguan pa namin ay walang Heater pero kahit ganun tiis tiis kami.HAHA.ΓΌ. Habang naliligo ako para hindi ko masyado maramdaman ang sobrang lamig ay sumisigaw nalang ako, parepareho lang kami nang ginagawa.
Habang nasa seminar kami ang gingawa lang namin ay iniintay lang matapos ang seminar, para makagala kami, puro kain lang ginagawa namin. Pero kahit papaano ay nagkukunwari-warian lang kami na nakikisali.
Pagkatapos ng lahat ng MODULE sa seminar ehh graduation na kami. Tinawag isa-isa ang bawat SK Chairman at SK Councilor ng bawat baranggay.
December 23,2011 last day na namin kaya iyon na ang pagkakataon para makabili ng pasalubong sa bahay kaya pumunta kami MINES VIEW, bili dito bili doon, hanggang sa makarami. pagkatapos mamili ay deretcho na kami uwi.Sobrang kapagod ng araw ng pag uwi na iyon pero hindi iniintindi ang pagod kaya tuloy parin ang kasiyahan kahit nasa bus na. Bumabangka sa kalokohan ang isa namin ka'sk pero pagkatpos noon nakatulog habang nasa biyahe hanggang makauwi sa hagonoy.
sobrang Saya :D
-KENNETH SANTOS LACASAD
BS ELECTRONICS AND COMMUNICATION ENGINEERING- 1D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento