Hindi na bago sa akin ang magkaroon ng nakakainis na karanasan tuwing Christmas Break. Pero kahit ganon taon taon ayos lang nakakasanayan na naman. Pero ngayong taon siguro ito na ang pinaka nakakainis na karanasan na naranasan ko.
DECEMBER 19, meeting namin mga SK, ng San Sebastian tungkol sa aming seminar sa Baguio city for 3 days. Call time namin ay 3:00 pm pero ako pinaka late na dumating. Alam mo naman Pilipino time. Kakahiya sa mga ka SK ko. Ayos lang sana sa SK Chairman namin ang hindi ko alam, kasama din pala sa meeting namin ang Punong Baranggay namin tapos kasama pa doon ang Tatay ng Sk Chairman ko na isa sa Konsehal ng Bayan ng Hagonoy. Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko nakakahiya na nakakainis. Kaya bumati nalang ako sa kanila ng isang magandang hapon para may panggalang man lang. Kakahiya talaga pero habang nagmemeeting kami wala akong kibo inintay ko nalang matapos ang meeting sa loob loob ko lang sana matapos na itong lintik na nakakainis na meeting na ito.
AFTER siguro mga 1hour umalis na yung Punong Baranggay namin kasama na rin ang Konshehal ng tatay ng Chairman namin.....
Kaya ayon medyo lumuwag na loob ko pero nahihiya pa rin ako sa Chairman namin kasi may usapan na kami bago mag meeting na walang malalate sa oras ng meeting. Kaya humingi nalang ako ng pasensya sa kanya.
ILANG MINUTO LANG pauwi na kami....
Pero hindi pa dito nagtatapos ang aking nakakainis na karanasan ngayong christmas break.
Ito last na ito, kung yung isa ehh ung pinakanakakainis na karanasan ngayong christmas break, ito naman yung Pinaka na Pinaka nakakainis na Karanasan ngayong Christmas Break...
DECEMBER 30, mga hapon na dumating ung ninong ko na pinsan ko lang. Nagpasundo kasi ako sa kanya galing pa siya sa work. Kasi nagpromise ako sa kanya na doon ako mgbabagong taon sa kanila, sa mang tita ko na kapatid ng mama ko. Pero nung dumating na siya sa amin ayaw naman akong payagan ng papa ko kasi sabi nila magiging isang taong layas daw ako, wala sa bahay. Hays, kakainis sila. Hiyang hiya naman ako sa ninong ko na inabala ko pa siya na sunduin ako hays.. uuwi pa naman siya sa Baliuag. Kaya NEW year ko ang pinaka pinaka nakakainis. Hindi ko man lang naenjoy yung new year kasi dahil sa nangyari na iyon. Kala ko maganda na pasok nang taon na ito. NAKAKAINIS PALA !
NEW YEAR na ang pinakanakakainis na KARANASAN ko.
KENNETH SANTOS LACASAD
BS ELECTRONICS AND COMMUNICATION ENGINEERING - 1D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento